6.01.2006

summer 2006

summer 2006
mas masaya kahit walang ginagawa :) kakaiba ito kumpara sa iba pang summer na napagdaanan ko sa buhay ko. nakakatawang isipin na after all this time, ito lang yung oras na nagampanan ko ang pagiging isang asawa. masayang malungkot na nakakainis na nakakapagod... halu-halo, bagay talaga sa bakasyon.
april

the original plan was to go to pacita, after holy week na. pero advice ni doc beth, do the procedure asap. kaya yun... uraurada bumaba ako to be with my hubby's side. hay naku, nakakatuwa kasi sa umpisa kala mo kung sino syang matapang. pero parati merong mga hirit like, masakit kaya yung tusok ng karayom, sana wag ganito, wag ganun. but in he was so strong that he conquered his fear.

umuwi ako ng tuesday kasi schedule nya was wednesday dapat. but when we went there nung wednesday, marami pa palang tests na dapat gawin kaya niresched nila for thursday early morning. instead of leaving the house ng very early, we opted to be admitted na lang wednesday night. pagdating namin ng gabi dun, nilagyan na sya agad ng dextrose. good thing na rin na after 12 pa yung fasting nya kaya nakakain pa sya kahit konti.
start na ng duty ko as bantay. everytime may pumapasok na nurse, gumigising ako. kasi baka ako turukan ng kung anu-ano dun. di ba nga, hubby's name is gwen kaso baka hindi nila marealize na lalake yung patient na may pangalang pambabae lang :) sa inner side rin ako ng bed natutulog para mas safe.

as early as 5am, gising na ako (very early na un sa akin kasi usually 10am ako bumabangon). nagrequest na ako ng hot water para sa coffee namin ni mama then kain konti. then mga 6 gising na rin si gwen. daming funny scenes sa hospital (dagdag lang). nagprepare na sya at nagbihis sa gown nya. at first time daw, sumakay sya sa wheelchair. habang hinahatid na sya sa OR, kinausap kami ni doc. sabi nya, it won't take that long naman daw. 45 minutes minimum time nila. baka sa recovery room lang sya magtatagal. while waiting, si mama ang medyo natatakot. ang worry ko lang naman yung result ng ECG nya. medjo alanganin ang heart nya. natanong pa nga ni doc kung may sakit sya sa puso. sabi ko wala syempre at baka natetense lang sya during the process. then yun... he was wheeled out of the recovery room mga 11 na un. pagdating nya sa room nya, hindi pa rin sya makagalaw due to anesthesia na iniject sa kanya. nakakatawa kasi kahit anong kiliti mo wala talaga. sobrang manhid sya at kahit hindi pa nya magalaw yung mga bibig nya kung anu-ano na sinasabi. hindi naman naiintindihan. basta ang alam ko lang hinahanap nya ako... parang mahal, mahal ganun na malabo :). nwei, ang importante natapos na at successful naman. thank God and thank you for giving doc beth.

holy thursady, nagkayayaan kaming mag night swimming. wala lang, lahat kasi ng kapitbahay nagpuntahan sa swimming pool kaya sumunod na rin kami. masaya pero hindi ganun kasaya (magulo di ba? :) kasi nga hindi naman nagswimming si hubby, nasa tabi lang sya at nanonood sa amin. pero kahit papaano nasagot din ung ID naming makatampisaw sa tubig.

good friday, the usual nasasanay na ako na dito nag-hoholy week kaya alam ko na ang schedule na pagdalaw kay Lolo Oweng sa Landayan... compared nung last year, di hamak na mas konti ang tao ngayon.

week after holy week pumasok na si hubby sa work. medyo okay na sya pero meron siyang pre-caution na wag magbubuhat, lalo na ng mga mabibigat. pwede mag-out of town pero sana if pwede may kasamang service kasi mahihirapan sya sa byahe. pero, nakakalungkot kasi hindi nasunod... hay naku! hirap talaga maging empleyado!

as a whole, okay naman ang april. bilis lang talaga ng panahon kaya kailangan ko ng bumalik uli ng baguio. may agenda pa kasi ako. in charge ako sa pagbili ng flowers para sa kasal ng elementary bestfriend kong si cel, magiging mrs. cabalza na sya.

may

may na. plano namin umattend sana ng pahiyas sa quezon, kaso nandito naman ako sa baguio nun kaya hindi na naman natuloy :( instead, bday na lang ni mama nung umuwi ako. talagang hinabol ko kasi plano nya magsswimming na naman kami :) this time, higit na mas maaga ako kesa sa usual dating ko. 5pm pa lang, nasa cubao na ako. mga 5:30 nakasakay na kami ng bus pauwi ng pacita. ang saya kasi parang napareserve yung resort. wala kaming ibang kasama except dun sa group ng friends ni kuya ted. swimming to the max kami this time... kahit maaga kaming umuwi, okay lang kasi nacelebrate namin ang birthday ni mama at talagang nag-enjoy kami.

as a whole masaya talaga ang summer 2006. masasabi kong worth ang pagstay ko sa pacita... at dagdag pa, malapit ko na matapos ang cross stitch ko... yeheyyy...

No comments: